Donya Victorina
Nagsisimula pa lang mapuno ang jeep ng mga pasahero. Nakaupo ako sa dulo. "Ma bayad po, pakiabot," sabi ko habang inaabot ang pamasahe ko sa aleng pinakamalapit sa akin. Dedma. "Ma bayad po, pakiabot". Pangalawang tawag na. Parang wala paring napansin."Ma bayad po, pakiabot". Pangatlo na 'to ha. Aba, bingi ata ang ale. Kinuha na lang ng katabi niya ang bayad ko. Ano ba sa akala niya ang sinakyan niya, limousine?
Gentle Dog
Malas mo nga naman pag ikaw ang huling makakasakay sa jeepney. Sabi siyaman daw bawat side pero bakit walo pa lang mukhang wala ka nang mauupuan? Hehe. Pero nagmamadali ka eh kaya sige pagtyagaan na. Uupo ka pero pinipilit mong pagkasyahin ang pisngi ng pwet mo sa kakarampot na space. Pag lalaki katabi mo, ang iba magbibigay at papapasukin ka para makabukaka naman sila (Alam mo na). Ang iba naman ay wapakels. Magtiis ka diyan kahit mahulog-hulog ka na sa kinauupuan mo. Eh mahaba pa ang byahe at malayo pa ang titiisin mo bago may makababa? Hay buhay.
You Already!
Kalat na sa balita na nagtaas ang presyo ng pamasahe ng 50 centavos. Eto ang unang araw na pagpatupad ng dagdag-pasahe. Nananahimik kayong lahat sa Philippine jeepney nang may biglang umepal at gumawa ng eksena. "Ha! 7.50 na ang pamasahe?!? Kabaliwan 'yan! 'Yan ang napapala niyo sa pagboto kay [insert pres. name here] blah, blah, blah. Wag mo nang dagdagan pa ang hirap na dinaranas nating lahat bilang commuter. Hindi kami tanga, pero marunong kami sumunod sa batas. Tumakbo ka nalang kaya for president sa susunod na eleksyon, tutal nagmamagaling ka naman eh.
Halimuyak ng Putok
Pagod ka galing trabaho. Siksikan sa jeep at amoy na amoy mo ang putok ng katabi mo. Nagawa niya pang itaas ang kamay niya para kumapit sa bar. Wooh! Sukang paombong, kulang na lang eh kumuha ka ng chicharon at isawsaw mo sa kili-kili niya hehe. Eh malas mo wala kang dalang panyo panakip hehe. Tissue na lang.
Sabit and Run
Madalang ang dating ng mga jeepney papunta sa uuwian mo. Nakasakay ka din naman pagkatapos ng humigit-kumulang isang oras. Eto, talo-talo na. Sabit na kung sabit ang mga lalaki. May nag-aabot ng bayad (may delikadesa hehe) meron din namang 'Boss bababa na ako. Thank you' Gumamit pa ng "boss" para magpalakas sa Manong Driver hehe! Kung tutuusin nga naman, delikado 'yung ginawa mong pagsabit, maaari mo pa ngang ikamatay 'yon eh. Sumugal ka lang. Pero sino bang nagsabi sayong sumabit ka? Only in the Philippines, eh?
Ikaw, anong kwento mo? Tara, usap tayo hehe.